Angmaikling kwento o kathaay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng may-akda. Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa onakikinig. Ito ay maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan lamang ang mga tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-sunod nito. Ang isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari mong tapusin sa isang upuan lamang ng pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng araw para matapos.
Mga Uri ng Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay may mga sumusunod na uri:
Kuwentong Nagsasalaysay - masaklaw, timbang na timbang ang mga bahagi, maluwag at hindi apurahan ang paglalahad.
Kuwentong Tauhan- binibigayng diin nito ang tauhan ng mga tauhang gumagalaw sa kuwento.
Kuwentong Katutubong Kulay - binibigyang diin nito ang tagpuan at kapaligiran ng isang pook. Masusing inilalarawan ang mga tao sa isang pook, pamumuhay nila, ang kanilang mga kaugalian at gawi na napapaloob sa kuwento.
Kuwentong Sikolohiko- nilalarawang mabuti nito ang mga tauhan sa isipan ng mga mambabasa upang maipadama ang damdamin at nararanasan ng isang tao sa harap ng isang pangyayari o sitawasyon.
Kuwentong Talino - mahusay ang pagkakabuo ng balangkas nito. Kailangang lumikha ang may akda ng makasuliraning kalagayan upang mamahay sa pag-aalinlangan hanggang ang takdang oras ay sumapit ang paglalahad ng kalutasan
Kuwento ng Katatawanan- ang takbo ng pangyayari ay may kabagalan at may mangilan-ngilang paglihis sa balangkas at galaw ng mga pangyayari.
Kuwento ng Katatakutan- pinupukaw nito ang kawilihan ng mambabasa sa halip na ang kilos sa kuwento. Binibigyang diin ang mga simulaing kaisahan at bias.
Kuwento ng kababalaghan - binibigyang diin nito amg mga bagay na kapana-panabik, hindi kapani-paniwala at salungat sa hustong bait, kaisipan at karanasan ng tao. Kataka-taka ang mga pangyayari subalit magbibigay ito ng kasiyahan sa mambabasa.
Kuwento ng Madulang Pangyayari - ang mga pang-yayari ay kapansin-pansin, lubahang mahalaga, nagbunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan.
Kuwento ng Pakikipagsapalarang Maromansa - nasa balangkas ang kawilihan sa halip na sa mga tauhan ang kawilihan, sa mga kawil ng mga pangyayari ang siyang bumabalot sa pangunahing tauhan.
Mga Sangkap ng Maikling Kuwento
Tagpuan- ang pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento.
Banghay - ang kabuuan ng isang kwento. Ang kawil ng mga pangyayari ay batay sa pagkakatulad nito mula umpisa hanggang sa kasukdulan sa bahaging ito nilulutas ang tunggalian ng mga tauhan sa kuwento.
Tauhan- ang mga taong nagbibigay buhay sa takbo ng mga pangyayari sa kuwento.
Mga Bahagi ng Maikling Kwento
Ang maikling kuwento ay may limang bahagi:
Panimula - nilalahad dito ang tagpuan upang ipakilala ang mgatauhan, pook at panahon ng kuwento sa mambabasa.
Saglit na Kasiglahan - naglalarawan ng pasimula tungo sa suliraning inihahanap ng lunas.
Suliranin - ang mga suliranin ay kinakailangang magkakaugnay mula sa simula hanggang sa paglalapat ng mga karampatang lunas sa bawat suliranin.
Kasukdulan - ang bahaging kinapapalooban ng pinakamasidhing pananabik dahil sa takbo ng mga pangyayari.
Kakalasan o Wakas- dito binibigyan ng pagkakataon ang mga mambabasa na tapusin ang kuwento atmagkkaroon ng pagkakataon na gamitin ang kanyang pag-iisip.
Mga katangian ng Maikling Kuwento, ayon kay G. Alejandro G. Abadilla
Mataas na ang araw nang lumbas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong. Maaliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa habing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak na nagtapos sa high school au hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang puting-puti, kipkip ang isang libro at nakangiti patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganing may sinasabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.
Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang-bayan ng Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwan ang araw na ito at kinakailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog, at dalawang piling ng saging. Bibili rin siya ng garbansos. Gustung-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.
Mag-iikasiyam na ng dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di-magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang sali-salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugal ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang palabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
“Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na nga ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”
Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kasimeta, punit mula sa balikat hangang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.
“Pasensiya na kayo, ale,” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos–tagbebeinte, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”
“Pasensiya!” sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.”
Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumuasok. Paano’t paano man, naisip niya, ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di-mabuti ay sa kanya pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siya na nagdaraan na nakarinig sa kanyang mga sinasabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumuli ng isang kartong mantika.
“Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siyang nakaugaliang bilhan. Nakatangi siya at ang babae ay ngumiti rin.
“Tila nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”
Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.
“Bakit no?” anito.
“E … e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.
“Ku, e, magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae.
“Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, “E, sandaan at sampung piso.”
Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakalalayo; may ialng sandali pa lamang ang nakararaan. Inisip niya kung ang kasuotan nito na maaari niyang pagkilanlan, ang tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at ng mangilan-ngilang namimili at mga batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng pusisyon, na di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang pantalon na wari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos ng tigbebeinte.
Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.
“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwang kang magkakaila!”
Tiyakan ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aappuhap ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:
“Ano hong pitaka?” ang sabi ng bata. “Wala ho akong kinukuhang pintaka sa inyo.”
“Anong wala!” pasinghal na sa abi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke.”
Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing mamimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.
“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e, banggain ako,” ang sabi niya. “Nang magbabayad na ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e, wala nang laman!”
“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.’
“Tena,” ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”
“Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”
“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”
Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing-kamay ang pag-aalis sa mabutong mga daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat at sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong.
“Nasiguro ko hong siya dahil sa, nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pangkat ako’y nagmamadali.”
Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, au lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentemos na papel at ang tigbebeinteng bangos.
“Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis kay Aling Marta.
“Siya ho at wala nang iba,” ang sagot ni Aling Marta.
“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng tatoo, kung di ay dadalhin kita.”
“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan, e, wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.”
“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang pitaka ko, e, naipasa mo na sa kapwa mong mandurukot! O, ano, hindi ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad … isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo. Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e, ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.”
Tumindig ang pulis. “Hindi natin karaka-rakang madadala ito nang walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng iyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”
“E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinasabi ko nang binangga akong pasadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?”
Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat niyang gawin; maya-maya’y muling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulya.
“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.
“Andres Reyes po.”
“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.
Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e, me sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyag Ines ko nakatira sa Blumentritt, kung minsan naman ho, e, sa mga lola ko sa Kiyapo at kung minsan naman ho, e, sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lang ho niya akong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.”
“Samakatuwid ay dito kayang mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis.
“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa, e.”
Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para-para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanilang paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.
“Ang mabuti ho yata dalhin na antin iyan kung dadalhin,” ang sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”
“Hirap sa inyo, e, sabad kayo nang sabad, e,” ang sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon n’yo sabihin ang gusto n’yong sabihin. At doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin.”
Inakbayan nito ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang di umiimik na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ilan ay ngingiti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.
“Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” ang sabi sa kanya at pumasok.
Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumapasok sa palengke. Inisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi: dalawa, tatlo, o maaaring sa hapon na. Naalaala niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siya’y uuwi na walang dlang ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumulak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinwakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng kanyang paningin, ay pabalinghat niyang pinilipit sa likod nito.
“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e, ako ang gagawa ng ikakaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan?”
Napihiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa knayng balikat sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang nangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ang buong panggigigil na kinagat.
Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya ang kalayaan, kalayaan kay Aling Marta at sa dumarakip na pulis, at siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingon-likod na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwang na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang binitiwan ng humahabol na si Aling Marta, ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilin sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na mula ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala na siyang nakita kundi ang madidilim na anino ng mga mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.
Hindi umiimik si Aling Marta habng minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya kapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siya ang binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako manganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.
Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kamiseta ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis, ay pamuling nagmulat ito sa paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.
“Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong pitaka.”
May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa kanyang katawan. Ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili.
“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanyang. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak na naman ang kanyang kuwarderno at lapis. “Siguro’y matutuwa na kayo niyan.”
“Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta.
“Wala naman sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan.”
May himig pangungutya ang tinig ng pulis.
“Makakaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta.
“Maari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangan ninyong iwan sa akin ang inyong pangalan at deriksiyon ng iyong bahay upang kung mangailangan ng ulat ng pag-aayos ay mahingan namin kayo ng ulat.”
Ibinigay ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulung-magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot ng alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ngayon ng walang tiyak na patutunguhan. Naalaala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuwi na, sana’y naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng nahahayap na mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot ng gulo at kahihiyan! sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang diwa sa bangkay ng batang natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.
Kung hindi sa tinamaan na lintik na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi’y umbi, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa tabi ng iba. Mabuti nga sa kanya!
Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka … saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa mabilis niyang paghahangad na makapagdala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na sila ay hindi naghihirap, ngunit lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililingid din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo at ano mang pangangatwirang gawin niya ay siya rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay ililihim niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling Goryang at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at ang halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung piso ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa maninipis na labi ng Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.
Tanghali na nang siya ay makauwi. Sa daan pa lamang, bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natatanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ang minamasdan, ngunit nang malapit na siya at makita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob sa kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.
“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nana?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate.
“E … e,” hindi magkantututong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.”
Nagkatinginan ang mag-ama. “Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa, “ang pitaka mo, e, naiwan mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan?”
Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gumita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito: Maski kapkapan niyo ako, e, wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit at lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg
Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-Malay ng mga batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata. Ang kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay Hindi nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami silang pangarap. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga puno kahit na marurupok, maaligasgas at malulutong na ang mga sanga nito. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang balat sa kanilang siko, nagagalusan ang kanilang mukha at kung minsan ay nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit ang lahat ng iyon ay Hindi nila iniinda, patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim ng punong mangga kung saan ay makapal ang damo kung umaga ay nandun silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran, at kung sila'y hinihingal na sa pagod ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang langit at magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha. Magtataka ang batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita nga ba ang mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit Hindi sapagkat ang langit daw ayon sa kanyang itay ay isang malaking salamin. Pagkaraan tumingin ng matagal sa langit sila'y parehong makakatulog at magigising na lamang sa tawag mula sa kanilang bahay. Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising; kung minsan naman ay ang batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, ay kukuha ito ng kaputol na damo at kikilitiin ang tainga ng natutulog. At ang natutulog naman ay magigimbala sa kanyang pagkakahimbing at pagkarinig na siya'y pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila'y maghahabulan sa damuhang iyon hanggang sa mapagod at sila'y muling babagsak na naman sa damuhan sa kapaguran, magkatabi at Hindi nila pinapansin ang pagkakadantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan. At kapag sila naman ay nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan naman sila pupunta kung malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng hilamis sa talpukan, o kaya'y gagawa ng kastilyong buhangin, o kaya'y nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim ng buhangin. Ngunit Hindi lang yon ang kanilang ginagawa: naghahabulan din sila dito at kapag napagod na ay mahihiga rin sila sa buhanginan, tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi ay nagkakatinginan sila. Minsan ay naitanong ng batang lalaki sa batang babae ang tungkol sa tumutunog sa kanyang dibdib at kung ito'y kanya bang naririnig. Nagtaka ang batang babae at bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro. Inilapit nito ang kanyang tainga sa dibdib ng batang lalaki, dumadait ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang halimuyak ng kanyang buhok. Nakangiting sinabi ng batang lalaki sa batang babae na mabango pala ito. Sinabi ng batang babae na Hindi naman daw siya nagpapabango at lumupasay ito sa tabi ng nakahigang kalaro. Sinabi niya pa na paglaki pa raw niya ay saka lamang siya magpapabango dahil yon ang sinabi ng kanyang nanay. Tinanong ng batang lalaki kung narinig ba ng kalaro ang tunog na nagmumula sa dibdib nito at sinagot siya ng batang babae ng oo at tinanong kung ano ang ibig sabihin niyon. Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. Sinagot na lamang ng batang lalaki ang kalaro ng Malay daw niya at niyaya na nitong umalis na sila. Bumangon ang batang lalaki at inayos ang sarili at nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at habang isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog na araw. "Ang ganda, ano?" naibulalas ng batang lalaki. "Parang may pintang dugo ang langit." "Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?" tanong naman ng batang babae. Hindi sumagot ang batang lalaki. Ipinagmamalaki ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng kanilang mga kanayon. At kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang Hindi nagkaroon ng pagkakataong makahalubilo sa kanila. "Siguro, paglaki ng mga batang 'yan, silang dalawa ang magkakapangasawahan." Naririnig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila'y nagtataka. Hindi nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang dalawa'y parang tuko - magkakapit. At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa kanya ang isang araw na pauwi na sila, ay humarang sa kanilang dinadaanan at sila'y tinudyo nang tinudyo. "Kapit-tuko! Kapit-tuko!" Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag sa paanan ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang kalaban. Nagpagulung-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila'y inawat at sila'y pinabalik sa silid-aralan at pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa puwit. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila'y nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-Malay. Namulaklak ang mga manga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng ilang araw, nasaid sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng dalawang bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog. Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang mahabang tag-araw, at ang damuhan ay natuyo at ang kanilang naging tagpuan ay ang dalampasigan at madalas man sila roon ay Hindi nila masagut-sagot ang bugtong kung bakit kulay-dugo ang silahis ng araw kung dapithapon. At sa wakas ay namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at pagkaraang isawsaw sa asin ay kanilang tinikman at sila'y naasiman at idinalangin nila ang maagang pag-ulan --- sapagkat sabi ng kanilang mga lola'y madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas kapag naulanan. Sila'y naniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak iyon nang kalagitnaan ng Mayo silang dalawa'y naghubad, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at nayapakan nila ang mga tuyong damo, na waring bangkay ng isang panahong hinahalinhan ngayon. Pagkaraan pa ng ilang araw, nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas. Nagmamadali silang nanaog at ang batang lalaki'y umakyat sa puno at ang batang babae naman ay naghanap ng sungkit. At ang pamumulaklak at pamumunga ng manga, santol, at sinigwelas at ng iba pang punungkahoy o halaman sa loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at muling sinibulan ng bagong supling; ang araw ay lumubog at sumikat at Hindi pa rin nagbabago ang kulay ng silahis niyon kung dapithapon. Ang paaralan sa nayon ay malapit nang magpinid; ang guro ay naghanda na ng isang palatuntunan; ang mga magulang ay walang pinag-usapan kundi ang katalinuhan ng kanilang mga anak. Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang araw ng pasukan, ang batang lalaki at batang babae ay sakay ng kalesa patungo sa bayan. Doon sila mag-aaral ng hayskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki'y nakalargo na at pantay na ang hati ng kanyang buhok na nangingintab sa pahid na pomade. Samantala, ang batang babae ay may laso sa buhok, na nakatirintas at ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at Hindi nakikita ng batang lalaki ang alak-alakan nito. Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na Hindi nila napigil at siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan. Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki'y Hindi na sa batang babae lamang nakikipaglaro. Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat ng batang lalaki ang nakapabilog at isang batang lalaki ang nasa loob niyon at may ipinakikita sa mga kasamahan. Nakisiksik sa mga batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na natuklasan niyang kailangang mangyari sa kanya. Umuwi siyang parang tulala nang hapong iyon at kinagabihan ay Hindi siya nag-aral. Naupo siya sa baitang ng kanilang hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon ng kanyang ama. Inusisa niya sa ama ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung bakit kailangang gawin pa iyon. Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito sa balikat. At sinabi sa anak na kailangan daw 'yon para siya'y maging ganap na lalaki. Natingala lamang niya ito at ang pamimilog ng kanyang mga mata'y naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa kanyang kawalang-Malay. Sinabi pa ng ama sa anak na isang araw ay isasama daw siya nito kay Ba Aryo. Maging matapang lamang daw siya sana. Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae, ngunit aywan niya kung bakit nahihiya siya. Ngayon lamang iyon. Kaya't kahit patuloy pa rin silang naglalaro sa damuhan o kaya'y nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala silang pasok, ang alalahanin ukol doon ay nakabawas sa sigla ng batang lalaki. At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng iba pang ginawa, siya'y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog. "Ang damuho…pagkalaki-laki'y parang Hindi lalaki." Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng malutong na halakhak ng kanyang ama ay natanim sa kanyang isip at patuloy na nagpalaki sa lamat sa kanyang kawalang-Malay. Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang kanyang pakiramdam. Gayong magaling na ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng bahay ni Ba Aryo, Hindi pa rin nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan siya kung nakikipaglaro sa batang babae. Nangingimi siyang tumabi rito kung ito'y nakahiga sa damuhan o sa dalampasigan. Hanggang isang araw ay napansin niyang mapupula ang mga mata ng batang babae nang dumating ito isang dapithapon sa tabing-dagat. "Bakit?" usisa niya. "Wa-wala..wala!" Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob niyang baka ang kawalang-sigla niya sa pakikipaglaro rito ang dahilan. Tinudyo niya ang batang babae, kiniliti, napahabol dito..hanggang sa mahawa ito at sila'y naghabulan na sa buhanginan. Humahagikgik pa sila nang mapatong ang kamay ng batang lalaki sa kanyang dibdib at madama niyang lalong Malakas ang pintig doon. "Tignan mo…pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko," anyaya ng batang lalaki. Ngunit Hindi kumikilos sa pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas nang mukha ng langit. Nagtaka ang batang lalaki. Bumangon ito at tinunghan ang nakahigang kalaro. Nangingilid ang luha sa mga mata nito. "Bakit?" Saka lamang tumingin ang batang babae sa batang lalaki. At ito'y umiyak at ang luhang tumulo sa pisngi'y pinahid ng palad at ang palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay pinaniktan ng buhangin. At sa isang basag na tinig ay sinabi ng batang babae sa kalaro na Hindi na daw sila maaring maglaro gaya ng dati. "Hindi na?" sagot ng batang lalaki na parang sasabog sa kawalang-Malay ang katauhan ng batang lalaki. "Malalaki na raw tayo…malalaki nang Tao. Hindi raw maglalaon, tayo'y magiging dalaga…at binata." "Sinabi 'yon ng Nanay mo?" "Oo, sinabi niya…na Hindi na tayo maaring maghabulan, o kaya'y umakyat sa punongkahoy o kaya'y pagabi rito sa tabing-dagat," sabi pa ng batang babae. "Kangina sinabi sa'yo ng Nanay mo?" Tumango ang batang babae. "Ngayon daw…Hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita na…at ikaw raw ay binatilyo na!" At waring ang batang lalaki'y nagising, napagmasdan niya ang kanyang mga bisig, ang kanyang katawan at sa harap ng kanyang kalaro ay nauunawaan niyang totoo ang sinabi nito. "Ayaw ka na palang papuntahin dito'y…bakit narito ka pa… gabi na!" Nagbangon ang kanyang kalaro. Humarap sa kanya. Palubog na noon ang araw at mapula ang silahis niyon sa langit. Ang mukha ng dalawa ay animo mula sa malayo at ang pakakahawak nila sa bisig ng isa't isa ay parang isang pagpapatunay ng tibay ng tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan. Hindi na nga sila mga bata. Siya'y dalagita na. Siya naman ay binatilyo na. Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanilang may tumataas nang dingding sa pagitan nila. Nagkikita pa rin sila sa looban, ngunit Hindi lamang tulad nang dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Ngayon, parang lagging may nakatingin sa kanilang mga matang nagbabawal. Sa looban, ang kanilang mga magulang; sa paaralan, ang kanilang guro. At ang kanilang tawa tuloy ay Hindi na matunog; ang hiyaw ng dalagita ay Hindi na matinis, Malayo sa hiyaw nito noong araw; ang kanilang pag-uusap ay Hindi na Malaya at pumipili na sila ng mga salitang kanilang gagamitin. At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kanyang katre at kapag tapos na sa paglalaba ang kanyang ina ay palihim niyang lalabhan sa silong at ikukula sa kubling bahagi ng kanilang likod-bahay. Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa silong at sinabi nito sa kanya: "Hindi mo na kailangang dito pa labhan 'yan…" Nagtapos sila ng hayskul. Nagkamay sila pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma. At nang magsasayawan nang gabing iyon, magkatambal sila. Gayong Hindi naman sila nahapo, ang tibok sa kanilang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay Hindi maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila, nag-uusap ang kanilang mga mata ngunit ang kanilang labi'y tikom at kung gumalaw man ay upang pawiin ang panunuyo o paglalamat niyon. At Hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpapalaki sa lamat sa kanilang kawalang-Malay. Maliwanag ang narinig na salita ng dalagita: Kung gusto mong makatapos ng karera, huwag muna kayong magkita ni Ariel. Naunawaan niya ang ibig sabihin niyon, ngunit ang pagtutol ay Hindi niya maluom sa kanyang kalooban. "Pero, Inay…kaibigan ko si Ariel." May himagsik sa kanyang tinig. "Kahit na…kayo'y dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin." May langkap na tigas ang sagot na iyon. Alam niya ang kahulugan niyon: Masama: Parang pait iyong umuukit ng kung anong bagay sa kanyang isip. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang ama. "Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!" At ang pait na may iniukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang kanyang katauhan ay nayanig at ang tunog ng pagpukpok ay nag-aalingawgaw ng: Lalaki! Lalaki! Hindi siya nakatagal sa harap ng kanyang mga magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa kanyang silid. "Ayaw nila…ng Inay…ng Itay…masama raw," at ang mga labi niya'y nangatal, kasabay ng luhang umahon sa kanyang mga mata. Nang minsang dalawin ng binata ang dalaga sa dormitoryo ay pinakiusapan siya ng dalaga na huwag na muna silang magkita. Napatitig lamang ang binata sa dalaga. Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna iyon ng kanyang ama. Nalulungkot ang binata sapagkat ayaw ng makipagkita sa kanya ni Cleofe. Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng nakaugalian nito tuwing may ilalapit siyang suliranin. Sinabi ng ama sa anak na magkakalapit din namang sila muli pag nakapagtapos na ang dalaga. At gusto ng mga magulang nito na maging doktora ang anak. Pasigaw ang alingawgaw ng kanyang tinig sa kanyang isip. "At habang nagdodoktora siya ay masama kaming magkita?" "Tama ka!" maagap na pakli ng ama. "Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae ay malapit ka rin sa tukso!" At ang dalawa'y Hindi na nga nagkita, gayong nasa lungsod na maliit at maglakad ka lamang sa mga lansangan ay Hindi ka mawawalan ng makakasalubong na kakilala. Mangyari'y iniwasan nila ang magkita, at Hindi sila nagkita sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita nila ay masama, tukso. Nabubuhay sila ngayon sa isang bagong daigdig, daigdig ng aklat, ng matataas na gusali ng malalayong kabataan sa kapaligiran. Hindi sila nagkita sa loob ng mahabang panahon. Hindi sila nakatiis. Isang araw na Hindi sinasadya'y nagkasalubong sila sa pamimili ng kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglalakad at nabangga na sila ng mga Tao sa bangketa ay Hindi pa rin sila makakilos. Ang binata ang naglakas-loob at binati niya ang dalaga. Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang anyayahan siya nitong magpalamig sila sa isang kanugnog na restawran ay napasunod lamang siya, napatangay sa agos kanyang damdamin. At sa harap ng kanilang hininging pagkain, sila'y nagkatitigan at sila'y nakalimot at akala nila'y nasa luntiang damuhan sila sa looban sa lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa't isa. At sila'y nagkita sa Luneta, Hindi lang minsan kundi maraming pagkikita, maraming-marami at ang kanilang sikil ng damdamin ay lumaya at sa unang pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan, sila'y lumigaya. Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at sa mabuti sa kanilang isipo ay sumibol na at nagpaunawa sa kanilang ang ginagawang iyon ay masama. Ngunit sila'y naghihimagsik. Nakatanggap ng sulat ang dalaga mula sa kanyang mga magulang. May nakakita sa kanilang dalawa ni Ariel na magkahawak-kamay sa Luneta, sa pook na dapat pakaiwasan. Hindi man lang daw sila nahiya. Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa sa liham. Nagbabanta ang mga sumusunod pang talata: luluwas ang ama mo kapag Hindi mo itinigil ang kabaliwang yan. Pinagsabihan din ang binata ng mga magulang nito sapagkat nakaabot na pala sa mga ito ang nangyari. Muli na namang ipinaalala sa binata na ang babae ay isang tukso. Ibig niyang umalis sa silid na iyon at upang Hindi na marinig ang alingawngaw ng katagang iyon: tukso --- tukso ---- tukso! Sinabi ng dalaga: Hindi na ngayon tayo maaaring magkita. Sinasabi ng binata: magkikita tayo… magtatago tayo…ililihim natin sa kanila ang lahat. At sila nga ay nagkita, sa mga pook na Hindi sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik ng takot na matutop at ng pangangailangan. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, suluk-sulok, malamig din, ngunit hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan. Maligaya sila sa kanilang daigdig. Maligaya sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang kalawakan, at nangagulat ang mga Tao sa lansangan; pamaya-Maya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin. Ang dalaga ay dumungaw sa bintana - masama ang kanyang pakiramdam. May kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay umaakyat sa kanyang lalamunan. Humawak siya sa palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyang maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan. Tumungo siya at nakita niyang nilinis ng tubig ang bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo, parang may isinikad na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya'y napanganga at siya'y napapikit at siya'y napaluha at paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay napaduwal siya…at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling kumalat doon at pagkaraa'y nilinis ng patak ng ulan, inianod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan. At ang dalaga'y napabulalas ng iyak.
Pabula
Ang Agila at ang Maya
Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito. "Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon. "Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?" Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. "Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan. "Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak." Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito. "O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya. "Aba oo, payag na payag ako." "Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata. At sisimulan nga nila ang paligsahan. Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya. Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya. Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.
MENSAHE: Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.
Ang Daga at ngLeon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.
Mga aral ng pabula: Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa. Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan. Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan
Nakalulugod na unti-unti nang nagsisimula ang pagbubuo ng mito ng mga Filipino, gaya ng animasyong Prinsesa Urduha sa larang ng pelikula. Inaakala tuloy ng nakararami na may katotohanan ang tala ni Ibn Batuta, nang maligaw siya sa Tawalisi (Pangasinan) mula sa paglalakbay sa Kakula, Java, Indonesia bago tumungo sa Tsina. Mahirap nang patunayan ang salaysay ni Batuta, maliban kung susuhayan nga ito ng ilang antigong tala mula sa mga Tsino, tulad ng winika ni Jaime Veneracion; o kaya’y may bagong arkeolohiko’t antropolohikong tuklas sa kaugnayan ni Urduha sa tribung Ibaloy.
Ang salaysay ni Batuta hinggil kay Prinsesa Urduha ay mula sa paningin ng manlalakbay na tagaibayong dagat, kaya maaaring nalulukuban ng pananaw, prehuwisyo, paniniwala, at guniguni ng dayuhan. Ang salaysay ni Batuta, gaya ng pagdududa nina Jaime C. de Veyra, Julian Cruz Balmaseda, at Iñigo Ed. Regalado, ay hindi basta tala sa kasaysayan, bagkus malikhaing kasaysayan o alamat na kinatha ni Batuta habang nilulustay niya ang panahon sa laot at pinipiga ng lungkot ang loob.
Halimbawa, ang sistema ng pamamalakad ng kaharian ay mauugat sa sistema ng herarkiya o pamamahala ng mga bansang may imperyo, kaharian, at estadong sakop. Kung ganito nga, kahit ang pag-ugat kay Urduha—na mula sa napakapatriyarkal na lipunan—sa tribung Ibaloy ay mapagdududahan maliban kung napakaabanse nga ng pamamalakad ng naturang tribu para umabot hanggang Pangasinan at lampasan ang paniniwalang pangkasarian. Ang mapandigmang kaisipan ni Urduha ay dapat ugatin, halimbawa sa pagdakip ng mga gagawing alipin, kung may kaugnayan nga ito sa mga tribung nananahan sa kabundukan, upang mapatunayan ang mga bakas ng lipi ni Urduha sa mga pook na posibleng nasakop niya. Sabi nga ni William Henry Scott, ang pagtataglay noon ng maraming alipin ay higit pa sa malalawak na lupain o ginto, dahil magagamit ng datu ang mga alipin sa iba’t ibang gawain, gaya ng pagsasaka at pagpapanatili ng tahanan.
Mababanggit din na kahit may nahukay na mga labî ng gadyâ (i.e., dambuhalang elepante) sa Filipinas, ang pagkasangkapan sa hayop na iyon sa larangan ng pakikidigma at pagpaparangal sa mga maharlika ay tila inangkat sa gaya ng Thailand, Nepal, Myanmar, Cambodia, at Indonesia, kaya kinakailangan ng malalim na saliksik upang patunayan ang obserbasyon ni Batuta. Bukod pa rito ang organisadong pamamalakad ng mga mandirigma, na dapat ding alamin, dahil lumilitaw na hindi karaniwang prinsesang mandirigma si Urduha, bagkus nakaaalam din siya ng mga taktikang militar sa paglusob at pananakop ng ibang bayan para sa ikalalago ng kaniyang pamayanan.
TUNGKUNG LANGIT AT ALUNSINA
Noong pinakaunang panahon, wala pang mundo o kayay kalangitan. Lahat bagay ay walanghugis at ang lahat ay walang kaayusan. Sa madaling salita, puno ng kaguluhan.Isang araw, dalawang diyos ang lumitaw mula sa kawalan. Sila ay sina Tungkung Langit o kilala satawag na Haligi ng Kalangitan at si Alunsina na tinatawag na Ang Dalaga. Nahulog ang puso niTungkong Langit kay Alunsina. Niligawan niya ito at pakatapos ng napakaraming taon, silay ikinasal atnanirahan na sa pinakamataas na bahagi ng kalawakan. Nanirahan sila sa lugar kung saan lagingmaligamgam ang tubig at ang ihip ng hangin ay napakalamig.Si Tungkong Langit ay napakasipag at mapagmahal na diyos. Siya ang pinunong na ang naislamang ay magdala ng kaayusan sa mga bagay na puno ng kaguluhan. Siya ang umaako ngresponsibilidad sa mga nangyayari sa kalawakan. Sa kabilang banda naman, si Alunsina ay tamad, selosa,at madamot na ang tanging ginagawa lamang ay umupo sa tabi ng bintana ng kanilang bahay at libanginang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng kung anu-ano. Minsan, syay bumababa ng kanilangbahay, nauupo sa tabi ng kanilang pinto, at nagsusuklay ng kanyang napakahabang buhok maghapon.Isang araw, nagpaalam si Tungkong Langit kay Alunsina,Aking mahal na Alunsina, akoy aalis muna. May kaguluhan kasing nang yayari sa atingnasasakupan, aayusin ko muna ito. Babalik din ako kaagad.Ngunit, naging mapanghinala si Alunsina kaya pakaalis ng kanyang asawa ay agad niyangtinawag ang hangin,Hangin! Lumapit ka. Mukhang may gagawin ang aking asawa na nakakapanghinala. Inuutusankitang sundan at matsagan si Tungkung Langit, at saka sabihin sa akin ang kanyang pinagkakaabalahan.Humayo ka.At noong nalaman ito ni Tungkung Langit, naubos ang kanyang pasensya at lubusan syangnagalit kay Alunsina.Pagkabalik na pagkabalik ni Tungkung Langit, tinawag nya si Alunsina at sinabing,Bakit mo ako pinaghihinalaan? Hindi iyon gawain ng isang diyosa! Pano mo naisip napagtataksilan kita eh walang ibang nabubuhay dito kundi tayong dalawa?Ang mga pahayag na iyon ay lubusan ding ikinagalit ni Alunsina at pinagmulan ito ng kanilangaway. Inalis ni Tungkung Langit ang kapangyarihan ni Alunsina at pinalayas nya ito. Bigla na lang naglahosi Alunsina at hindi alam ni Tungkung Langit kung saan sya nagtungo.
Maraming araw ang lumipas at si Tungkung Langit ay nakaramadam ng labis na kalungkutan.Pinagsisihan nya ang kanyang ginawa. Ngunit huli na ang lahat. Ang lugar na dating puno ng kaligayahanat napakagandang tinig ni Alunsina ay napalitan ng kalungkutan. Sa tuwing gigising sya sa umaga, nag-iisa na lamag sya. At sa pag-uwi nya tuwing hapon, tanging kalungkutan pa rin ang kanyang nadaramadahil wala na ang Alunsinang naghihintay sa kanyang pagdating.Lumipas ang mga mga araw at buwan, si Tungkung Langit ay nabubuhay pa rin sa mundongpuno ng kalungkutan. At sa kanyang pagiging desperado, nagpasya siyang gumawa ng paraan paramawala ang kanyang kalungkutan.Isang araw, habang syay naglalakbay sa mga ulap, isang ideya ang kanyang naisip. Naisip nya nagumawa ng mundo at karagatan. At sa isang iglap, bilang lumitaw ang lupa at katubigan. Ngunit, dinaging kanais nais sa kanyang paningin ang kanyang mga ginawa kaya bumaba sya sa lupa at nagtanimsya ng mga puno at magagandang bulaklak. Kinuha nya rin ang mga alahas ni Alunsina at ikinalat ito samundo dahil nagbabakasakali syang makita ang mga ito ni Alunsina at naisin ng bumalik sa kanilangbahay. Ang kwintas ni Alunsina ay naging mga butuin, ang suklay ay naging buwan, at ang korona niAlunsia ay naging araw. Ngunit sa kasamaang palad, sa kabila ng mga ginawang paraan ni TungkungLangit, hindi na bumalik ang kanyang pinakamamahal na Alunsina.Hanggang ngayon, sinasabi pa rin ng mga matatandang katutubo na mag-isa pa ring naninirahansi Tungkung Langit sa kanyang bahay sa kaitaasan. Minsan, kapag lungkot na lungkot si Tungkung Langit,ang kanyang mga luha ay pumapatak sa mundo. At paniniwala rin ng mga taga Panay hanggang ngayonna ang ulan ay ang luha ni Tungkung Langit. At kung kumukulog naman, boses ito ni Tungkung Langit natinatawag si Alunsina.
TUNGKUNG LANGIT AT ALUNSINA
Noong pinakaunang panahon, wala pang mundo o kayay kalangitan. Lahat bagay ay walanghugis at ang lahat ay walang kaayusan. Sa madaling salita, puno ng kaguluhan.Isang araw, dalawang diyos ang lumitaw mula sa kawalan. Sila ay sina Tungkung Langit o kilala satawag na Haligi ng Kalangitan at si Alunsina na tinatawag na Ang Dalaga. Nahulog ang puso niTungkong Langit kay Alunsina. Niligawan niya ito at pakatapos ng napakaraming taon, silay ikinasal atnanirahan na sa pinakamataas na bahagi ng kalawakan. Nanirahan sila sa lugar kung saan lagingmaligamgam ang tubig at ang ihip ng hangin ay napakalamig.Si Tungkong Langit ay napakasipag at mapagmahal na diyos. Siya ang pinunong na ang naislamang ay magdala ng kaayusan sa mga bagay na puno ng kaguluhan. Siya ang umaako ngresponsibilidad sa mga nangyayari sa kalawakan. Sa kabilang banda naman, si Alunsina ay tamad, selosa,at madamot na ang tanging ginagawa lamang ay umupo sa tabi ng bintana ng kanilang bahay at libanginang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng kung anu-ano. Minsan, syay bumababa ng kanilangbahay, nauupo sa tabi ng kanilang pinto, at nagsusuklay ng kanyang napakahabang buhok maghapon.Isang araw, nagpaalam si Tungkong Langit kay Alunsina,Aking mahal na Alunsina, akoy aalis muna. May kaguluhan kasing nang yayari sa atingnasasakupan, aayusin ko muna ito. Babalik din ako kaagad.Ngunit, naging mapanghinala si Alunsina kaya pakaalis ng kanyang asawa ay agad niyangtinawag ang hangin,Hangin! Lumapit ka. Mukhang may gagawin ang aking asawa na nakakapanghinala. Inuutusankitang sundan at matsagan si Tungkung Langit, at saka sabihin sa akin ang kanyang pinagkakaabalahan.Humayo ka.At noong nalaman ito ni Tungkung Langit, naubos ang kanyang pasensya at lubusan syangnagalit kay Alunsina.Pagkabalik na pagkabalik ni Tungkung Langit, tinawag nya si Alunsina at sinabing,Bakit mo ako pinaghihinalaan? Hindi iyon gawain ng isang diyosa! Pano mo naisip napagtataksilan kita eh walang ibang nabubuhay dito kundi tayong dalawa?Ang mga pahayag na iyon ay lubusan ding ikinagalit ni Alunsina at pinagmulan ito ng kanilangaway. Inalis ni Tungkung Langit ang kapangyarihan ni Alunsina at pinalayas nya ito. Bigla na lang naglahosi Alunsina at hindi alam ni Tungkung Langit kung saan sya nagtungo.
Maraming araw ang lumipas at si Tungkung Langit ay nakaramadam ng labis na kalungkutan.Pinagsisihan nya ang kanyang ginawa. Ngunit huli na ang lahat. Ang lugar na dating puno ng kaligayahanat napakagandang tinig ni Alunsina ay napalitan ng kalungkutan. Sa tuwing gigising sya sa umaga, nag-iisa na lamag sya. At sa pag-uwi nya tuwing hapon, tanging kalungkutan pa rin ang kanyang nadaramadahil wala na ang Alunsinang naghihintay sa kanyang pagdating.Lumipas ang mga mga araw at buwan, si Tungkung Langit ay nabubuhay pa rin sa mundongpuno ng kalungkutan. At sa kanyang pagiging desperado, nagpasya siyang gumawa ng paraan paramawala ang kanyang kalungkutan.Isang araw, habang syay naglalakbay sa mga ulap, isang ideya ang kanyang naisip. Naisip nya nagumawa ng mundo at karagatan. At sa isang iglap, bilang lumitaw ang lupa at katubigan. Ngunit, dinaging kanais nais sa kanyang paningin ang kanyang mga ginawa kaya bumaba sya sa lupa at nagtanimsya ng mga puno at magagandang bulaklak. Kinuha nya rin ang mga alahas ni Alunsina at ikinalat ito samundo dahil nagbabakasakali syang makita ang mga ito ni Alunsina at naisin ng bumalik sa kanilangbahay. Ang kwintas ni Alunsina ay naging mga butuin, ang suklay ay naging buwan, at ang korona niAlunsia ay naging araw. Ngunit sa kasamaang palad, sa kabila ng mga ginawang paraan ni TungkungLangit, hindi na bumalik ang kanyang pinakamamahal na Alunsina.Hanggang ngayon, sinasabi pa rin ng mga matatandang katutubo na mag-isa pa ring naninirahansi Tungkung Langit sa kanyang bahay sa kaitaasan. Minsan, kapag lungkot na lungkot si Tungkung Langit,ang kanyang mga luha ay pumapatak sa mundo. At paniniwala rin ng mga taga Panay hanggang ngayonna ang ulan ay ang luha ni Tungkung Langit. At kung kumukulog naman, boses ito ni Tungkung Langit natinatawag si Alunsina.
Alamat
Ang Alamat ng Ampalaya "The Legend of the Bitter Gourd"
Noong unang panahon, sa isang mahiwagang lupain na kung saan ang mga gulay na ating kinakanin ngayon ay may sariling isip at diwa. Tinawag itong lupain ng sariwa na kung saan ay tinutubuan at pinamamahayan ng iba't uring ng gulay.
Sa lupaing iyon ay naroon si kalabasa na may kakaibang tamis, si kamatis na may masutlang kutis, si labanos na labis ang kaputian, si luya na may natatanging anghang, si mustasa na may luntiang pisngi, si patola na maganda ang pagkapantay ng gaspang ng balat, si singkamas na kakaibang lutong, si sibuyas na may manipis at nakakaiyak na balat, at si Talong na may malalim na lila ang kutis. Lahat ay natatangi at may kakaibang maipagmamalaki. Sa kakaibang lupain na ito ay tuloy tuloy ang pagusbong ng mga bagong halaman at ito ay malugod namang tinatanggap ng mga naunang halamang umusbong pa dito. Isa sa ma bagong halamang umusbong ay ang kakaibang si Ampalaya. Si Ampalaya ay kakaiba sa aspeting ang kulay ng kanyang balat ay napakaputla at ang kanyang lasa hindi maipaliwanag.
Sa paglipas ng mga araw ay nagsimulang gumpang ang inggit ni ampalaya sa mga kasamahang gulay. Bagamat tanggap at nais siyang makasalamuha ng ibang gulay sa lupain ay pilit niya itong itinutulak papalayo. "Huwag kayong lumapit! Hindi ko kayo kailangan! Lumayas kayo! Huwag ninyo akong dikitan!" ang pasigaw na babala ni amapalaya sa mga nagmamagandang loob na bungang nais lamang siyang kaibiganin. Dahil sa paulit ulit na pagtataboy sa mga kasama ay nilayuan nga siya ng mga ito. Sa halip na matahimik sa piniling buhay ay patuloy na kinain ng inggit at galit ang puso ni ampalaya.
Isang maalinsangang gabi ay namulaklak ang maitim na balak ng mapag-isang si ampalaya laban sa kanyang mga kasama. "Kailangan ko dng magkaroon ng natatanging lasa, kulay, at ganda katulad ng ibag mga gulay!. Kung hindi man ay mahgitan pa sila!" ang bulong ng ganid na ampalaya habang pinaghahandaan ang pagsasagawa ng kanyang maitim na balak. Sa kalaliman ng madilim na gabi, ay dahan dahang gumapang sa mga balag ng mga walang kamalay malay at natutulog na gulay si Ampalaya. Doon ay kinuha niya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay sa bayan. Kinuha nya ang tamis ni kalabasa, ang anghang ni luya. Isinilid din niya sa bayong na dala ang nakasampay na kaputian ni labanos, kakinisan ni kamatis, gaspang ni patola, ang manipis na balat ni sibuyas, at ang lilang kutis ni mustasa. Ipinuslit din nya ang lutong ni singkamas.
"Hahahaha! Sa wakas nasa akin na ang lahat ang mga natatanging lasa, kulay, ganda, at katangian ng mga gulay. Ako naman ang kaiingitan nila!" ang bulong ni amapalay sa sarili habang ito ay paalis sa kanyang mga biktima.
Kinabukasan ay sumaog ang balita ng malawakang nakawan na naganap sa bayan ng sariwa. Nagtipon-tipon ang mga gulay upang pagusapan ang kalapastanganang naganap, ngunit ito ay naisantabi ng makita nila ang isang kakatangi tanging gula, isang dayuhang gulay. Ang dayuhang gulay ay may iba't ibang kulay ng balat, magkahalong kinis at gaspang at samu't saring masasarap na lasa. Ang dayuhang gulay ay pinagkaguluhan. Lingid sa kaalaman ng lahat ayun ay ang mapangahas na si ampalaya na lihim na naghuhumiyaw sa tuwa sa kasikatan at pagpupugay na natatanggap sa mga kasamahang dating umiiwas sa kanya.
Ngunit ani nga sa kasabihan, walang lihim na di nabubunyag. Naging mapaghinala ang ilang gulay sa biglang pagdating ng bagong gulay na tila ba kasabay ng nakawang naganap kinagabihan. Sa pamumuno ni kamatis ay palihim nilang sinundan ang dayuhang gulay ng umuwi ito ay umuwi sa balag nito. Nagkubli ang mga gulay at nabigla sa natuklasan. Habang hinuhubad ng dayuhang gulay ang makukulay nitong balat at lasa ay lumabas ang gulay sa likod nito... si ampalaya.
Hinuli at ihinarap ng mga gulay ang tusong si ampalaya sa diwata ng lupain. Sa harap ng mga gulay ay nilitis si ampalaya. Nangako ang diwata na muling manunumbalik ang mga nawalang katangian na ninakaw ng bugnuting si ampalaya.
"Hindi pa nililikha ang magtataglay ng lahat ng katangian ng mga gulay. Bilang parusa, mananatili sa iyo ang lahat ng ninakaw mong katangian ng mga kasamahan mong gulay." ang paghuhusga ng diwata kay amapalaya. Lihim namag natuwa ang nagipit na si ampalaya. "Anong uri ng parusa iyon?" ang mapanlamang na bulong ni ampalaya sa sarili. Nagkatingina na lamang ang mga ninakawang gulay at nagtiwala sa matalinong karunungan ng diwata.
Nang matapos ang paglilitis ay muli ngang bumalik sa mga ninakawang gulay ang kanilang mga nawalang lasa, kulay, at ganda. Laking tuwa naman ni ampalaya na siya ay nakatakas sa kasalanang ginawa ngunit ilang saglit lamang ay may kakaibang nangyari sa kanya. Nag-away ang lahat ng lasa ng ninakaw ni amapalaya sa loob ng kanyang katawan. Nangulubot ang kanyang balat ng magtagisan ang kakinisan at akagsapangan ng kanyang mga ipinuslit. Nagsilbing madilim na mantsa sa kanyang dating makulay na balat ang naghalu-halong mga kulay.
Mula noon ay naging hindi na kaaya-ayang tignan at kainin si ampalaya. Nagsisis at nagpakumbaba na ang gulay na ito. Sa likod ng tila ba sumpang parusa sa kaniya ay nagtatago ang kakaibang sustansya na mula sa kapaitan ng mga naghalong lasa.
Ang Alamat ng Lansones "The Legend of the Langsat/Lanzones"
Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng puno na may bilugan hugis ang bunga. Sa panahon ng tagbunga, kahit na hitik sa bilugang bunga ang nasabing puno ay walang sinuman ang nangangahas na lapitan o kainin ito. Sa likod ng tila ba masarap na anyo ng bunga nito ay nakakubli ang matindi at maaring nakamamatay na lason.
Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang "puno ng lason" ng may isang manlalakbay ang nagpahinga sa ilalim ng puno na may nakakalasong bunga. Marahil dahil sa pagod, gutom at sa kaayaayang kaanyuan ng bunga ay pumitas ang manlalakbay ng bunga ng puno upang kainin. Huli na ng makita upang pigilan ng mga taong-bayan ang manlalakbay sa pagkain nito ng nasabing bunga. Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito matapos makain ang nakalalasong bunga.
Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay marami pang ibang namumungang puno at halaman ang matatagpuan sa bayan. Sa isang bibihirang pagkakataon ay tinamaan ng isang matinding tagtuyot ang bayan. Nangamatay ang mga tanim na kanilang inaasahang magbibigay sa kanila ng makakain, lingid sa isa... ang puno na nagtataglay ng nakalalasong bunga. Taimtim na nanalangin ang mga taong bayan upang matapos na ang nasabing tagtuyot dulot ng matinding tag-init.
Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang babaeng ito dahil ito ay pakanta kanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan ang punong namumunga ng bungang may lason. Sinubukang pigilan ng ilang nakatatanda ang babae, ngunit tila ba hindi sila narinig nito at patuloy lamang sa maligayang pag-awit nito at nagsimulang pitasin ang bunga ng puno.
Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa nakalalasong bunga ng puno sa kabila ng kanilang pagbabala dito. Inasahan na ng mga taong-bayan na anumang oras ay babgsak ito ngunit nakailang bunga na itong nakakain ay wala pa ring nangyayari, sa halip ay sarap na sarap pa ito sa pagkain. Marahil sa pagataka at gutom ay nagsimulang lumapit ang mga kabataan sa babae.
Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang mga masasarap na prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga bata ang kuwento ng nakalalasong puno at umiling lamang ang babae. Pumitas siya ng bunga at pinisil ito upang ilantad ang kaaya-ayang laman ng bunga ng nasabing puno. Sa gutom ay nagbakasakali ang isang bata upang tikman ito. "Masarap at Malinamnam!" ang nasabi ng bata at muli itong pumitas. Nang makita ito ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa nasabing puno upang kumuha ng bunga upang kainin. Lahat ay nabigla sa kakaibang tamis ng dating itinuring nilang bungang may lason. Sa di maipaliwanag na pangyayari ay bigla na lamang nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng puno ng lason. Matapos mabatidna wala na ang lason sa puno ay naitawid ng bayan ang matinding tag-init. Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang babaeng nakaputi ay isang diwatang sumagot sa kanilang panalangin. Sa paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na may lason ay tinawag na nilang "lansones".