"Maikling Kwento”--Ang
maikling katha o maikling kwento ay sangay ng salaysay(narration) na
may isang iisang kakintalan (single impression). Ang tawag sa may akda
ng maikling kwento aykwentista na iba sa nobelista, makata, mananalaysay at iba pa. Ang makling kwento ay nag-ugat sa mga: alamat, kwentong bayan, mitolohiya at pabula.
Layunin ng Paksa:
A. Mabigyan katuturan ang maikling katha B.Maipakilala ang maikling kwento sa mga mambabasa C. Maisabuhay muli ang mga akdang sinulat ng mga kilalang awtor D. Maragdagan ang mga kaalaman hinggil sa maikling kwento
Kahalagahan ng Websayt sa Paksa Ang websayt na ito ay idinisenyo upang: A. Sumalamin sa mga koleksyon ng mga piling akda at ito'y maisabuhay muli. B. Maging kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa maikling kwento at ang mga impormasyon hinggil dito. C. Mabatid ng bawat isa ang kagandahan ng mga piling katha na sinulat ng mga kilalang awtor